Chapter 5
Chapter 5
"IT'S AMAZING what you notice when you're not in a hurry or when you just stop for a while and
appreciate things around you."
Kahit na nahihilo ay sinikap na imulat ni Chryzelle ang mga mata nang marinig ang para bang
namamanghang boses na iyon. Ang maamong mukha ni Calix na titig na titig sa kanya ang unang
sumalubong sa kanya. Pilit na ngumiti siya sa asawa, pagkatapos ay lakas-loob nang hinarap ang
kinatatakutan. Muli siyang nakaramdam ng pagkahilo pero sa pagkakataong iyon ay nilabanan niya na.
Nasa wheel of fate sila nang gabing iyon sa Enchanted Kingdom. Kasama iyon sa wish list ni Calix.
Nang maramdaman ni Chryzelle ang unti-unting pagkawala ng kanyang takot ay saka niya hinayaan
ang sariling mabighani sa makukulay na tanawing nasa ibaba dahil nasa pinakatuktok sila ng Ferris
wheel nang mga sandaling iyon. Enchanted Kingdom looked more enchanting at night. Saglit niyang
nakalimutan ang bigat sa dibdib dahil sa makukulay na liwanag sa paligid.
It was one of her dreams to be in that place with Calix. Ang una at huling punta niya roon ay noong
hindi pa nakikilala ang asawa. Nasa kolehiyo pa siya noon nang mapagdiskitahan nila ng ate niya na
doon mag-bonding kasama ang kanilang mga magulang. Mula nang ikasal sila ni Calix ay gusto niya
na itong dalhin sa ganoong lugar para mawala kahit paano ang stress nito sa pagtatrabaho. She
wanted to bring back the playful side of him which happened that very day.
Ayon kay Calix, iyon ang unang beses na nakapunta ito sa Enchanted Kingdom. Para sa anak-
mayaman na tulad nito ay kabigla-bigla ang bagay na iyon kay Chryzelle. Wala silang rides na
pinalampas ng asawa. Lahat ay sinakyan nila. Sa loob ng ilang oras ay parang mga bata sila na
naglaro lang, nabasa, tumakbo, naaliw, at parehong natensiyon sa horror house at na-thrill sa iba pang
rides na sinubukan nila. Ang Ferris wheel ang huling ride na nila para sa gabing iyon. Nagpalit muna
sila ng mga biniling damit na mula sa souvenir stores bago sila pumila para sumakay sa Ferris wheel.
The rides were a great distraction. It distracted Chryzelle from her pain. Most of all, it brought back the
child in her. Nakalimutan niya na kung kailan siya huling tumawa na katulad ng kanyang pagtawa ilang
oras pa lang ang nakararaan.
Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Chryzelle nang magsimula ang fireworks. It
was magical. Taon-taon ay nasisilayan niya iyon, pero ngayon niya pinakapinahalagahan. Siguro ay
dahil na rin sa kanyang kasama. Tuwing Bagong Taon ay mas magaganda pa sa nakikita niyang
nagpuputukan sa langit nang gabing iyon ang kanyang nasasaksihan sa tapat ng kanilang bahay na
pinagkakaabalahan sa tuwina ng mga kasambahay nila.
But she had never felt that fascinated. Because during fireworks display every New Year, Calix was in
the library, dealing with some documents that she would never understand.
"Tama ka," naibulong ni Chryzelle. "Kapag nagmamadali ka, lahat ng bagay, parang ordinaryo lang;
walang halaga, dahil ang atensyon mo ay nakatuon doon lang sa iniisip mong dapat gawin. Pero kung
hihinto ka saglit, regardless of what you feel-whether you're happy or sad-you'll notice that things are
beyond ordinary. Just like the fireworks." She sighed. "Dati ko pa alam na maganda silang pagmasdan
pero ngayon ko lang na-realize na higit pa pala sila roon. The thrill while watching the fireworks now,
I've never felt that before."
"Tama ka," narinig ni Chryzelle na halos bulong ni Calix. "But I wasn't really referring to the view, or the
fireworks. I was referring to... you. I've always known I married a lovely woman but I failed to realize
that she's beyond that until this moment."
Hindi alam ni Chryzelle kung ano ang mararamdaman bago ibinalik ang tingin kay Calix na nahuli
niyang nakatitig pa rin sa kanya.
"I only noticed now that your hair is shorter." Hinawakan nito ang kanyang buhok. "And it fits you better.
But for the past years, I never noticed your laughter. Siguro dahil hindi ko na 'yon naririnig mula sa 'yo.
Ngayon na lang. Hindi ko na rin napansin ang mga ngiti mo. And I... I regretted being too busy."
Napayuko si Calix. "I'm sorry."
Chryzelle breathed heavily. Kahit na tinatamaan siya sa mga sinasabi ni Calix, ayaw niyang maging
malungkot ang asawa. She couldn't afford seeing him sad, not when she was trying her best the past
days to make him smile. Gusto niyang sulitin ang mga araw nilang magkasama bago ito sumalang sa
chemotherapy. Kung siya ang masusunod ay gusto niya na itong magamot kaagad. Pero iginiit ni Calix
na bigyan pa raw niya ito ng ilang araw pa bago sila pumunta sa ospital. And she agreed.
She couldn't say no-not to a person who was suffering from cancer... even if it was the same person
who caused her to shed so many tears before.
"Your laughter was the highlight of my day, Chryzelle. Ibinalik ako ng masiglang mga halakhak mo sa
mga bagay na nakalimutan ko sa loob ng ilang taon. Mas nag-enjoy ako dahil sa tawa mo." Muling
nag-angat ng mukha si Calix. "And your smile, it was more than fireworks." Ngumiti ito. "It was like a
bomb-surprising, explosive... and it boomed my heart." Inabot nito ang mga kamay niya. "You are so
beautiful, baby."
Napatitig si Chryzelle sa asawa, kasabay niyon ay umihip ang malakas na hangin. Lahat sa mga oras
na iyon ay perpekto-ang tanawin, ang kinaroroonan nila, ang oras, ang ekspresyon sa gwapong mukha
ng asawa, at ang mga linya nito na tumagos sa kanyang puso. Her heart skipped a beat, but she knew
she could have felt more than that... had she not known about his cancer that scared her so damn
much every single moment.
Bigla ay sumagi sa isipan ni Chryzelle ang dahilan kung bakit sila naroroon...
"WHAT are you doing?" nagtatakang tanong ni Chryzelle sa asawa apat na araw na ang nakararaan.
Naabutan niya si Calix sa master's bedroom na abala sa pagsusulat ng kung ano sa isang maliit na
notebook. Dala niya ang tray na naglalaman ng almusal nito. Ini-research pa niya ang mga pagkaing
inihahanda para rito na aakma sa kalagayan nito. Everyday, she would serve him fresh fruits, slightly
cooked green vegetables, and ginger drink.
Alam niyang ayaw ni Calix sa luya, pero wala itong reklamo. Kung ano ang ihain niya, kinakain at
iniinom nito na ikinatutuwa naman niya dahil ibig sabihin niyon ay gusto din nitong gumaling.
"I'm writing my wish list."
Nanginig ang mga kamay ni Chryzelle. Naramdaman niya ang pagkatensiyon ng buong katawan,
dahilan para kaagad na mailapag sa bedside table ang dalang tray. Apat na araw na mula nang muli
siyang bumalik sa kanilang bahay sa pakiusap na rin ni Calix na samahan niya ito, kahit isang buwan
lang.
Hindi naging madali ang pagpapaalam ni Chryzelle sa ate Celeste niya. Pero nang ipagtapat niya ang
tunay na kalagayan ni Calix ay napapapayag na rin ito. But since she came back, she only stayed in
the guest room. Dalawang kwarto ang nakapagitan sa mga kwarto nila ni Calix. Pero sinisiguro niya pa
ring palagi siyang nasa tabi nito.
There were times when Calix would complain about the pain in his bones or joints. May mga gabing
naaabutan niya ito na mataas ang lagnat at para bang pagod na pagod. May mga pagkakataon ding
wala itong ganang kumain. And during those times, all she could do was embrace him tight as she
prayed. Pinanghihinaan na rin siya ng loob. Her heart was filled with so much agony that all she could
do was to pretend to be happy when Calix was around.
Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang paniwalaan at tanggapin na may sakit ang kanyang
asawa. Nang malaman niya ang kalagayan nito ay kaagad na na-distract ang puso niyang nasaktan na
nito noon; ang kanyang puso na sa kabila ng lahat ay alam niyang nagmamahal pa rin sa asawa. Hindi
niya alam na posible pala na sa kabila ng kapagurang nararamdaman ay makukuha pa niyang mag-
alala at masaktan nang husto para sa sinapit ni Calix. And the pain in his eyes every time just tortured
her even more.
Ayon kay Calix, siya at si Derek lang daw ang nakakaalam sa kalagayan nito. Ipinangako niya sa sarili
na sa susunod na araw ay lakas-loob siyang lalapit sa ama ni Calix para marami silang
makapagbibigay ng lakas ng loob at suporta sa asawa at manalangin na rin para dito. Naniniwala siya
na kapag marami silang sasama sa bawat chemotherapy ni Calix ay makapaghahatid iyon ng pag-asa
para dito.
"But the thing is... this wish list wouldn't be possible without you."
Nahinto si Chryzelle sa pag-iisip nang marinig ang tila alanganing boses na iyon ni Calix.
"Simple lang naman 'to. I... I just want to do the nine things with you... just you. And at the end of all
those, wish list number ten will be all up to you."
Wish list, from a cancer patient, that was a scary thing to hear. It made her think of good-byes.
Tinabihan niya si Calix sa kama nito at marahang niyakap sa pagkasorpresa nito. Ang pagkawala ng
kanilang munting anghel na tatlong buwan pa lang niyang minahal at inalagaan sa kanyang
sinapupunan ay sobra-sobra na para sa kanya, paano pa kung si Calix na pitong taon niya nang
minamahal?
"Let's do that wish list... together." Nagpapaubayang sinabi na lang ni Chryzelle. "Ano-ano ba ang mga
iyon?"
Nang tingnan niya ang mga isinulat ni Calix ay hanggang siyam lang iyon. Saka na raw nito sasabihin
ang ikasampu kapag natapos na raw ang siyam na gawain. But she was heartbroken once more.
Because the things on his list were the things she secretly hoped they would do together. They were
her forgotten dreams that were all written in her journal. Pero mukhang walang ideya si Calix sa bagay
na iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkapareho ang mga bagay na gusto nilang gawin ng
asawa.
Kinabukasan ay ginawa kaagad nila ang una sa listahan ni Calix. They cooked together. Pero
mistulang nakigulo lang ito sa kusina. Sa kabila niyon ay maayos pa rin nilang natapos ang sinigang na
hipon na paborito nito. Nakapag-bake pa sila ng brownies pagkatapos niyon. His second and third
wishes were fulfilled yesterday. Nag-picnic sila rest house na pag-aari ni Calix sa Cainta, Rizal. His
third wish included just lying together while reading books. There was a comfortable silence between
them.
Kung tutuusin ay simple lang ang mga gusto ng kanyang asawa.
Nakatulugan na nila ang pagbabasa ng kung ano-anong librong kinuha nila sa library nang nagdaang
araw bago sila lumabas para mag-picnic.
The fourth on his wish list was to try all the rides in Enchanted Kingdom.
Namasa ang mga mata ni Chryzelle.
"Elle? I'm sorry. May nasabi ba akong masama?" © NôvelDrama.Org - All rights reserved.
Bumalik sa kasalukuyan ang kanyang isip nang marinig ang nag-aalalang boses ni Calix. Mabilis na
ibinaling niya ang mga mata sa fireworks. "Wala naman. I just wish we had more time together."
"But we have the time now." Muli ay naulinigan ni Chryzelle ang kapaguran sa boses ni Calix. "We
have all the time in the world now, Elle."
"Paano mo nasasabi 'yan? L-limitado na ang oras natin." Pumiyok ang boses ni Chryzelle. Tuluyan
nang bumigay ang kanyang mga luha. Noong nakaraang araw ay sinadya niya sa Saint Luke's si
Derek. Isa ito sa groomsmen sa kasal nila ni Calix kaya kahit paano ay nagkakilala sila. Alam niya
kung saan ito nagtatrabaho bukod sa nabanggit na rin iyon sa kanya ni Calix noon. Alam niyang
matalik na magkaibigan ang dalawa. Personal siyang nagtanong kay Derek tungkol sa mga
pasyenteng mayroong acute lymphocytic leukemia.
Naging prangka si Derek sa pag-amin na mabilis daw kumalat sa katawan ng isang tao ang leukemia
cells. Lalo na sa kalagayan ni Calix na ayaw pang magpagamot kaagad kahit anong pamimilit dito.
People with the same sickness as Calix needed to be treated right away. Pero matigas ang ulo nito.
Lakas-loob na ring nagtanong si Chryzelle sa doktor kung ano sa palagay nito ang maaring gawin para
sa kaibigan nito. Derek was speechless for a long moment. Kinuha nito ang mga kamay niya,
pagkatapos ay seryosong sinabi, "Calix's case is a lot different, Chryzelle. Science will disapprove of
what I'm going to say but... let's just pray, na matauhan na siya. Right now, I know only love..." Marahas
na napabuga ng hangin si Derek, pagkatapos ay napailing. "Can c-cure my best friend."
"You're ill." Napahikbi si Chryzelle.
"God, Chryzelle," Pilit na inabot ng asawa ang kanyang mga pisngi at ipinaharap sa gawi nito ang
mukha niya. Pain was evident in his brown eyes. "I'm so sorry."
Gumalaw ang Ferris wheel. Pababa na sila nang mga sandaling iyon, dahilan para muli siyang
makadama ng pagkahilo na agad ring nalimutan nang biglang sakupin ni Calix ang kanyang mga
labi.