Chapter 1
Chapter 1
COULD this be the greatest love of all? I wanna know that you will catch me when I fall. So let me tell
you this, some people wait a lifetime for a moment like this...
Namasa ang mga mata ni Chryzelle nang mula sa kulumpon ng mga tao sa bahagi ng altar sa
kinaroroonang simbahan ay lumabas ang kanyang boyfriend na si Calix habang patuloy pa rin na
pumapailanlang sa ere ang awiting naging paborito niya na mula nang maging sila kulang dalawang
taon na ang nakararaan.
Hindi lubos-akalain ni Chryzelle na makikita roon si Calix samantalang tambak ang mga rason na
ibinigay nito sa kanya nang mag-usap sila kanina. Meron pa raw itong meeting na pupuntahan kaya
hindi nila magkasamang maise-celebrate ang Valentine's Day.
Napatitig si Chryzelle sa kabuuan ng simbahan. Naroroon ang mga malalapit nilang kaibigan ni Calix,
ang pamilya niya, pati na ang nakatatanda at nag-iisang kapatid nito na si Clarence. Pare-parehong
may ngiting nakapaskil sa mga labi ng mga ito.
Nang sa wakas ay magtagpo sila ni Calix sa gitna ng simbahan ay mabilis na iniabot nito sa kanya ang
dalang bouquet ng pulang mga rosas.
"Thank you," nahihiyang wika ni Chryzelle. "But what is this... all about?"
"Wala ka bang naaalala?" ganting-tanong ni Calix. Naging mapanukso ang ngiti nito kasabay ng
paglahad nito ng mga kamay sa ere. "The setting, the people, the music, the entire plan... don't you
find them familiar?"
Mariing kinagat ni Chryzelle ang ibabang labi para pigilan ang pagtakas ng kanyang hikbi. Sa totoo
lang ay kanina pa pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Calix. Sadyang ayaw niya lang na
masyadong umasa sa takot na mabigo.
Nang marinig pa lang ni Chryzelle ang paboritong awitin sa pagpasok niya sa simbahan ay nag-iba na
ang kutob niya, pati na nang makita na tanging malalapit na mga tao lang sa kanya ang mga naroroon. Text property © Nôvel(D)ra/ma.Org.
Nagpunta siya sa simbahang iyon kasama si Grace, ang empleyado ng pag-aari niyang bakeshop.
Biyernes nang araw na iyon at pasado alas-syete na ng gabi, pero nananatiling bukas pa rin ang
simbahan para sa mga taong gustong manalangin. At dahil parehong walang date sina Chryzelle at
Grace sa espesyal na araw na iyon ay nagkayayaan silang doon na lang magpunta pagkatapos nilang
magsara ng shop.
At ang kasalukuyang mga nakikita at naririnig ni Chryzelle ay ang siyang kabuuan ng dream wedding
proposal niya na siyang isinulat niya pa noong nakaraang taon pagkatapos masaksihan kung paano
nag-propose sa ate Celeste niya ang boyfriend nito. Doon siya nagsimulang mangarap rin ng kasal
para sa kanila ng boyfriend.
Napasinghap si Chryzelle nang bigla ay lumuhod sa harap niya si Calix.
She took a deep breath. Every single thing in her dream was happening right before her very eyes.
"Almost two years ago, we met each other here and I did something really, really beautiful; something
that I know I will always be proud of-I fell in love with you. We had our moments, Elle. Nag-away tayo at
nagkatampuhan, but even those were amazing." Magiliw na ngumiti si Calix. "Dito mo ako sinagot. Dito
tayo nagkasundo. We built our dreams and prayed together in this very church."
Napasigok si Chryzelle. "Calix..."
"It's a wonder how this church seems to witness a lot of events in our lives, Elle. At gusto ko sanang
madagdagan pa ang mga nasaksihan ng simbahang ito... kung hahayaan mo ako." Mula sa bulsa ng
coat ay inilabas ni Calix ang isang kahita.
Kumabog ang dibdib ni Chryzelle sa antisipasyon.
Parang kinakabahan namang tinanggap ni Calix ang inaalok na panyo ng natatawang kapatid nito.
Maagap nitong pinunasan ang namuong butil-butil na pawis sa noo. Kahit pa naluluha ay natawa si
Chryzelle.
"Will you marry me, Elle?" Kasabay ng linyang iyon ay ang paglitaw ng pinakamagandang singsing na
nakita ni Chryzelle sa tanang buhay niya.
I can't believe it's happening to me. Some people wait a lifetime for a moment like this...
The lyrics of the song filled her heart. God... she had been waiting for that special moment. Lumuhod
siya para magpantay ang mga mukha nila ni Calix. Nangingiting hinaplos niya ang mga pisngi nito. "Y-
yes." Her voice broke. "I will marry you."
"Thank you." Mabilis siyang dinampian ni Calix ng halik sa mga labi. "Happy, happy Valentine's Day,
love."
NAHINTO sa pagbabalik-tanaw si Chryzelle nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa
labas ng master's bedroom. Mabilis na pinahid niya ang mga luha at inayos ang sarili. "Come in."
Ilang sandali pa ay pumasok si Matilde, isa sa mga kasambahay sa mansyon. "Ma'am, tumawag po si
sir Calix. Hindi na raw po niya kayo masusundo. Sa restaurant na lang daw po kayo magkita."
Hindi na ikinagulat pa ni Chryzelle ang narinig. Sa dami ng mga gawain ni Calix, madalas ay natutukso
na siyang magpa-set ng appointment sa secretary nito para makausap lang ang asawa.
"All right." Pilit siyang ngumiti. "Thanks, you can go now."
Nang makaalis na ang kasambahay ay tumayo na rin si Chryzelle at hinila ang kanyang mga maleta.
Sa huling pagkakataon ay tinitigan niya ang kanyang wedding ring bago niya tuluyang hinubad iyon
mula sa kanyang daliri. Nagsisikip ang dibdib na inilapag niya iyon sa bedside table.
Paalis na sana si Chryzelle ng kwarto nang hindi sinasadyang napasulyap siya sa malaking wedding
portrait nilang mag-asawa na nakasabit sa dingding malapit sa pinto. Mapait siyang napangiti nang
makita ang kanyang buhay na buhay na anyo roon.
It was amazing how happy she was five years ago and how miserable she had become five years after.
Chapter One
"THE NUMBER you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later."
Napakagat-labi si Chryzelle nang imbes na ang boses ni Calix ay ang operator ang narinig niya sa
kabilang linya. Dapat ay sanay na siya, pero hindi niya pa rin maiwasang masaktan. Palagi na lang
ganoon ang nangyayari tuwing may espesyal na okasyon sa pagitan nila ni Calix. Sandali siyang
napayuko. Dumiin ang pagkapit niya sa pulang tela na sapin ng mesa. Halos isang oras nang late sa
usapan nila ang kanyang asawa.
Sa huling araw na pinagbigyan niya ang sarili na makasama si Calix ay hindi niya akalain na doon pa
siya makadarama ng matinding kabiguan.
Just a few more minutes, Elle, pagpapaalala ni Chryzelle sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata
at pilit na nagbilang sa isip. Pero pagkaraan ng ilang sandaling paghihintay ay wala pa rin ni anino ng
taong inaasahan niya. Malungkot siyang napangiti. Until that very day, Calix was cruel.
Kinuha na ni Chryzelle ang shoulder bag, pati na ang isang folder pagkatapos na mag-iwan ng pera sa
mesa para sa tatlong refill ng red wine na naubos niya sa paghihintay. Ilang malalalim na paghinga ang
pinakawalan niya bago mabibigat ang mga paang lumabas na ng restaurant.
Nakalabas na siya nang makita ang nagmamadaling si Calix. Mabilis na hinalikan siya nito sa mga labi.
"I'm so sorry, baby. May biglaan kasing meeting sa office kaya hindi na ako nakarating kaagad. Tara,
pumasok na tayo sa loob. Let's have dinner. I'm really hungry." Inalalayan na siya ni Calix papasok sa
loob, pero bumitaw siya rito. "What's wrong? Ayaw mo na bang kumain? I'm really, really sorry, baby."
Pinakatitigan ni Chryzelle ang gwapong mukha ng asawa. It was still the same man she had fallen
deeply in love with seven years ago. Alon-alon pa rin ang bagsak at kasindilim ng gabing buhok ni
Calix. Mapupungay ang kulay-tsokolateng mga mata na pinarisan ng makakapal na kilay. Matangos
ang ilong nito na nakasanayan niyang pisilin noong boyfriend niya pa lang. At parang babaeng natural
na mapula ang manipis na mga labi nito na noon ay palaging nakangiti.
Calix was still, in every inch, the man of her dreams. And he was so near that she could actually hold
him but their hearts were miles and miles apart now.
"Babawi ako sa 'yo, pangako," masuyong sinabi ni Calix pagkatapos ay naglabas ng maliit na kahon
mula sa bulsa ng suot na coat at iniabot kay Chryzelle. "Happy fifth anniversary, baby."
Hindi tinanggap ni Chryzelle ang regalo ni Calix, sa halip ay inilayo niya ang sarili sa asawa. Hindi niya
man buksan ang regalo ay alam niyang mamahaling alahas na naman ang laman niyon na sigurado
niyang inihabilin na lang nito sa secretary na bilhin sa sobrang pagkaabala sa pagtatrabaho. Nakaipon
na siya ng mga ganoon mula sa asawa na ni minsan ay hindi niya naman isinuot. Lahat ng iyon ay
iniwan niya sa jewelry box sa kanilang kwarto bago umalis sa kanilang bahay.
She breathed heavily. Kahit anong pagpipigil niya ay kumawala pa rin ang mga luha niya. "H-happy
anniversary, too, Calix." Pumiyok ang boses niya pero nagpapakatatag pa rin na iniabot sa asawa ang
hawak na folder. Nagtatakang kinuha naman nito iyon. "Pero hindi ko na kailangan ng kahit na anong
regalo mula sa 'yo. Just sign the annulment papers. At makakabawi ka na sa akin nang husto."
Napaawang ang mga labi ni Calix sa pagkabigla.
Nagpatuloy si Chryzelle. "Doon na muna ako titira sa bahay nina Ate hangga't hindi pa ako
nakakahanap ng apartment. Pakidala na lang sa secretary mo ang documents sa bakeshop kapag
napirmahan mo na." Mapait siyang ngumiti. "Thank you very much for the last five years, Cal. But I
don't think I can bear another year with you. Hindi ko na kaya. I don't even think I can bear another day
with you. Kapag sinubukan ko pa, baka bumigay na ako." Bago pa tuluyang sumabog ang mga
emosyon ay nananakbong lumapit na siya sa pinagparadahan sa kanyang kotse.
Mabilis na binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinaandar sa kabila ng paghabol sa kanya ni Calix.
Nang bahagya nang makalayo ay pansamantalang inihinto ni Chryzelle ang kotse sa gilid ng kalsada.
Ang mga luha na naipon sa kanyang dibdib sa loob ng limang taon ay noon lang niya nailabas. Calix
had broken her heart many times before, but the realization that their marriage had really failed...
crushed her to the core.
What happened to us, Calix?
"SECRETARY niya lang ang nakausap ko. Nasa conference room pa rin daw si Calix."
Napaluha si Chryzelle sa sinabing iyon ng ate Celeste niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa
kumot. "Have... have you told him," Napailing siya. "I mean, his secretary that it's an... e-emergency?"
Tumango si Celeste. "Nagbigay na raw ng note si Rowena kay Calix noong pumasok siya sa
conference room. But she said Calix was in a heated conversation with the board members. He said
though, that he will call you later." Dumaan ang awa sa mga mata ng ate niya, dahilan para mag-iwas
siya ng tingin. "Kung sabihin ko na kaya ang tungkol sa baby?"
"Hindi na." Nagsikip ang dibdib ni Chryzelle. "Kung nalaman na pala niyang emergency at hindi pa rin
siya nagparamdam, ayoko nang sumubok na ipaalam pa. Masyado na akong durog para lalo pang
durugin ng absence niya, Ate." Napatitig siya sa kanyang tiyan. Tumulo ang kanyang mga luha.
Ang inaakala ni Chryzelle na magsisilbing kakampi niya, ang munting anghel na inaasahan niyang
aayos sa naghihingalo nang relasyon nila ng asawa ay kinuha pa sa kanya. Pati ang pagkakaroon ng
anak ay ipinagdamot pa ng tadhana sa kanya.
Nagsimula nang magkaroon ng tunog ang pag-iyak niya, palakas iyon nang palakas. Nagmamadaling
nilapitan siya ni Celeste at niyakap. Nanginginig sa matinding emosyon ang kanyang katawan na
gumanti siya ng mas mahigpit na yakap sa kapatid. Ubod ng lakas siyang napasigaw. "Ate! Hindi ko na
kaya!"
"My God, Chryzelle," Kitang-kita niya ang matinding takot at pag-aalala sa mukha ni Celeste pero
patuloy pa rin siya sa pagsigaw. Nang bumitiw ito sa kanya, pakiramdam niya ay sandali ring bumitiw
ang katinuan niya. She was at a loss. "I'll just call the doctor." Tumayo si Celeste. "I promise I'll be
back."
Malinaw na narinig ni Chryzelle ang kapatid pero tumanggi na ang kanyang isip na umunawa. Tumayo
siya mula sa kama at nagwala. Pinaghahagis niya ang flower vase at ang mga prutas sa bedside table
sa loob ng kanyang hospital room. Hindi nagtagal ay dumating ang dalawang nurses kasama ng isang
doctor. Huling pumasok ang ate niya.
Nagpumilit na lumaban si Chryzelle nang tangka siyang hawakan ng mga ito. Pero mabilis din siyang
nahuli ng mga nurse, pagkatapos ay tinurukan siya ng doktor sa kanyang braso. Unti-unting nanlabo
ang kanyang paningin hanggang sa tuluyang magdilim iyon.
Sa pagmulat ni Chryzelle ay sinikap niyang kumalma. Pero ang kanyang puso, dinig na dinig niya ang
pagluluksa. Nabungaran niya si Celeste na bahagyang nakatalikod sa gawi niya. May kausap ito sa
cell phone.
"Kanina lang, ang sabi mo ay nasa conference room ang boss mo. Ngayon naman, nasa dinner
meeting? Aba, Rowena, it's past seven in the evening. 'Tapos-"
"Ate..." Pinilit ni Chryzelle na bumangon sa kabila ng panghihina. "It's all right. Please don't tell Rowena
anything anymore. I'm begging you."
Ilang sandaling natigilan si Celeste bago para bang napipilitang nagpaalam na sa kausap. Pagkatapos
ay hinarap siya nito. "Bakit?"
Chryzelle tried to smile with all the pain in her heart. Para bang napakaraming gustong itanong ng
kapatid na idinaan na lang nito sa simpleng tanong na: "Bakit?"
Isinandal niya ang katawan sa headboard, pagkatapos ay ipinikit ang mga mata. Sawa na siyang
makita ang awa sa mga mata ng kapatid. "Hindi niya naman alam ang tungkol sa baby. Masyado
siyang maraming inaasikaso para pagkaabalahan pa ang mga nangyayari sa akin." Her throat
clenched as she fought back the tears. Pagod na pagod na siyang lumuha. Quota na siya sa araw na
iyon.
"Pagkatapos na may mangyari sa amin, nagpaalam na siya na mawawala nang ilang buwan para
ayusin ang problema sa ipinatatayong branch nila sa Taiwan. He just needed me that night. Pagkaalis
niya, saka ko nalaman ang tungkol sa baby. Kaya okay na 'yon." Napahinga si Chryzelle nang malalim.
"Umalis siya na hindi alam ang tungkol sa baby. Bumalik siyang wala ring alam tungkol doon. It was the
only way I can save my pride. Kasi, Ate, 'yon na lang ang natitira sa akin."
MABILIS na nagmulat ng mga mata si Chryzelle. Hinahabol ang hiningang napabangon siya. Ilang
sandali pa siyang nasilaw sa liwanag mula sa fluorescent na nakatulugan niyang bukas. Ilang beses
niyang kinalma ang puso bago tuluyang bumangon mula sa kama. Pinaibabawan niya ng bathrobe ang
suot na pantulog, pagkatapos ay lumabas ng tinutuluyang kwarto at nagpunta sa veranda para
magpahangin.
Sumandal si Chryzelle sa barandilya, pagkatapos ay wala sa loob na napahaplos sa kanyang tiyan.
Isang buwan pa lang mula nang makunan siya. Tatlong buwan ang nasa sinapupunan niya nang
magkabisala ang kanyang mga paa sa pagbaba mula sa hagdan. Noong panahong iyon ay kababalik
lang ni Calix mula sa Taiwan. Pero kaagad din itong nagpunta sa opisina para mag-report roon kaya
hindi na nito nalaman ang nangyari sa kanya.
Pagkatapos ibigay ni Calix sa kanya noon ang mga pasalubong, pati na ang panibagong alahas,
nawala na ito sa kanyang paningin. Sinubukan niyang habulin ang asawa para kausapin tungkol sa
kanyang dinadala pero naaksidente siya sa pagbaba ng hagdan.
Mabuti na lang at nang araw na iyon ay nagkataong binisita siya ni Celeste. Kasama nito ang kanilang
mayordoma sa pagdala kay Chryzelle sa ospital.
It was devastating enough that she lost her baby. But what devastated her more was the fact that Calix
was just in Manila when it happened, but he wasn't able to attend to her when she needed him most.
Ang pangyayaring iyon ang tuluyang nag-alis sa natitira niyang pag-asa na magiging maayos pa ang
relasyon nila.
Calix had always been busy since his brother's death. Nangyari iyon ilang araw matapos ang kanilang
kasal. Ang asawa niya ang umako sa posisyong binakante ni Clarence sa kompanya ng mga ito. Kaya
bawat taon ay pababa nang pababa ang halaga niya sa buhay nito sa dami ng mga gawain na biglang
nakasalalay sa mga balikat nito at sa mga dapat na patunayan sa board members, higit lalo sa ama
nito na kapos ang paniniwala kay Calix.
Pero hindi sapat ang mga dahilan na iyon para kalimutan na ni Calix na asawa siya nito at kailangan
niya rin ito. Kahit gaano pala nagmamahal ang isang tao, na-realize ni Chryzelle na darating pa rin ang
panahon na mauubos at mauubos rin ang kakayahan nitong umunawa, na mapipigtal rin ang pisi nito
at mapapagod.
Sinikap ni Chryzelle na makabalik at makauwi rin nang gabing iyon mula sa ospital. Sa bahay na niya
gustong magpahinga at magpagaling dahil hindi niya na makayanan sa ospital. Hatinggabi na nang
makauwi siya. Ilang minuto pagkarating niya ay dumating din si Calix. Hinalikan siya ng asawa sa mga
labi tulad ng nakasanayan at tinanong kung nakakain na siya. Pagkatapos niyang tumango ay ngumiti
na si Calix at nagpaalam na magpapahinga na sa kanilang kwarto dahil pagod raw ito.
Ilang beses na pinag-isipan ni Chryzelle ang tungkol sa annulment habang gabi-gabi niyang
pinagmamasdan ang tulog na anyo ni Calix sa kanyang tabi. Hindi niya na naaabutan ang pagdating
nito. Madalas ay maaalimpungatan na lang siya na nasa tabi niya na ang asawa. Hanggang sa wakas,
ilang araw bago ang fifth anniversary ng kanilang kasal ay nakapagdesisyon na siya. Kumonsulta siya
sa abogado at ipinaayos ang annulment papers nila.
Kailangan na ni Chryzelle na tumakas palayo sa relasyon nila ni Calix bago pa siya tuluyang takasan
ng katinuan. Pero bago iyon ay mahigpit na binilinan niya ang mga kasambahay na walang
magsasalita tungkol sa pagkalaglag ng sanggol sa kanyang sinapupunan.
"Galing rito si Calix. Kaso mahimbing ang tulog mo kanina kaya pinauwi ko na siya."
Hindi lumingon si Chryzelle kahit pa narinig ang boses ng kapatid. Hindi niya na namalayan ang
pagdating nito sa dami ng mga bagay na gumugulo sa kanyang isip.
"He said he was sorry. And he was asking for a chance to make everything right."
"I've given him three hundred and sixty five chances every year," halos pabulong na lang na sagot ni
Chryzelle habang nananatiling nakatanaw sa mga bituin sa kalangitan. "But he wasted them all. Sa
kabibigay ko ng chance sa kanya, wala nang natira sa akin."