Pieces of You

Chapter 7 I Got You



"Kamusta na nga pala 'yung parents mo?" I sighed and turned my gaze to the busy road.

"Okay naman sila."

Ako lang ang hindi.

"Sa sobrang okay nila nakalimutan na nilang may anak sila dito sa Pilipinas."

Madalang na nila akong kausapin simula nung nagsenior high ako. Kung tumawag man sila yun ay para sabihin sa akin na may ipinadala silang pera. Parang ginawa lang nila iyon dahil responsibilidad nila na sustentuhan ako at hindi dahil tinatrato nila ako bilang anak nila.

Para sa ibang tao, importante ang pera. Hindi ko sila masisisi kung gaano na lang nila akong sabihan na choosy pa ba ako o makuntento daw ako sa kung anong meron ako, dahil mahirap din naman ang mamuhay araw-araw na walang mapagkukunan ng mga bagay na kailangan para maibsan ang gutom ng mga pamilya.

Pero mas mahirap ang mabuhay ng walang pagmamahal ng galing mismo sa mga magulang.

Hindi mo alam kung paano makitungo sa iba. Hindi mo alam kung paano maintindihan ang nararamdaman ng mga tao at higit sa lahat hindi mo alam kung pano ka magmamahal kung ikaw mismo hindi mo naranasang makaramdam ng pagmamahal mula sa mga taong dapat magparamdam sayo nito.

Pagkatapos kong sagutin ang tanong ni Abby ay pareho kaming naging walang imik.

I just ruined the scene again.

Dahil doon, napagpasiyahan kong umuwi na lang ng mag-isa dahil nahiya na akong sumabay kay Abby pauwi. She hardly insisted pero wala rin siyang nagawa dahil mapili din talaga ako. I really felt sorry for ruining the day. She waved me goodbye and told me to keep safe. When I saw their car gone, I started walking.

Gusto ko munang mapag-isa at magisip-isip

I checked my phone to see it's already 7:52 in the eve.

I searched Abby in my Inbox saka nagtype ng mensahe.

Abby

+639971876***

Sorry for spoiling the night and thank you for the company. Ingat kayo.

Sent 7:55 pm

After I sent my message, inilibot ko ang tingin ko sa boulevard na kasalukuyan kong niallakaran ngayon.

Ang daming tao lalo na sa gitnang parte ng pasyalan na 'to. All of them were spending the last hours of Valentines Day together with their partners and loved ones. May nakita pa nga akong pamilyang magkasamang kumakain sa isang bench dito. Alam kong magtitrigger na naman ang inggit ko kaya ibinaling ko sa ibang lugar ang paningin ko.

Ang daming mga stall ng streetfoods dito. Bigla kong namiss na kumain ng streetfoods kaya lumapit ako sa isa sa mga stall na iyon at bumili ng kwek-kwek. Nang iniabot ko na ang singkwenta sa manong ay saka naman nagvibrate ang phone

ko. You received 1 new message

Nang viniew ko ang notif, reply ni Abby ang bumungad sa screen.

OA mo friend. Okay lang 'yun. Gets kita. Kaya huwag ka nang magdrama diyan.

Received 8:05 pm

Hindi ko pa man tapos basahin ang reply niya ay may isa na naman itong panibagong message.

You home already?

Received 8:05 pm

Bago ako nagtipa ng reply ay kumagat muna ako ng kwek-kwek. Ang sarap talaga nito kahit kailan.

Di ako drama queen, no. And no, but I'm about to.

Sent 8:06 pm

Kumuha pa uli ako ng isa pang stick ng kwek-kwek at dalawang stick ng chicken lumpia saka nag-umpisa na uling maglakad habang kumakain. Di na ako nag-abalang kunin ang sukli kay manong, masyado kasi siyang busy kasi madami din kaming costumer niya. Tsaka minsan lang ako mag-iwan ng sukli.

Medyo kuripot ako e. Kahit pa sabihing sinusustentuhan ako ng mga magulang ko. Ayaw ko namang makarinig pa ng ibang komento galing sa mga magulang ko. Isipin pa nilang inaabuso ko ang mga ibinibigay nila.

Nasaan ka na naman ha? Baka mapahamak ka pa diyan. Umuwi ka na nga! Received 8:08 pm

Another reply from Abby. Lumabas na nga ang pagka-nanay side niya sa akin.

Pauwi na nga e.

Sent 8:08 pm

Mabuti naman. You take care, okay? Text me when you're home.

Received 8:08 pm

Napangiti ako sa huling reply ni Abby. She's really my bestfriend at bukod pa doon, parang magkapatid na rin kami. She's always concerned about my welfare.

Hindi na ako nag-abalang magreply pa. Umupo muna ako sandali sa bench at tinanaw ang kulay asul na kulay ng dagat. Nag-aagaw rin ang liwanag mula sa mga nagkikislapang bituin sa kalangitan. Dumidikit din ang malamig na sensasyong nanggagaling sa malamig na ihip na hangin. Napapikit ako ng mata at dinamha ang kapayapaan na hatid ng musika ng mga nagbabanggaang alon at ang mahinang pagbulong ng hangin.

It's quite relaxing. I should go often to places like this.

Napabuntong-hininga na lang ako at bumalik na naman sa isip ko na mamaya pagkauwi ko sa bahay, sasalubungin na naman ako ng katahimikan. Tumayo na ako at saka naglakad patungo sa sakayan ng jeep pero bago pa ako umabot doon ay hinarangan ako ng tatlong lalaking nakasando na pinares pa ng denim na tsumotsokolate na ang kulay, gusgusin at parang galing pa yata sa paghithit ng ipinagbabawal na gamot base sa namumula nilang mata at nagingitim na ilalim ng mga mata.

Just then, I felt danger right in front of me.

Jusko. Hindi ko naman alam na totoo pala talagang ganito ang itsura ng mga halang ang bituka. I tried my best to act strong at lalagpasan lang sana sila nang may humawak sakin sa braso ng sobrang higpit.

"Saan ka pupunta, Miss? Nag-iisa ka yata?"

Pinalibutan nila ako kaya hindi ako makapalag masyado. Nakakainis.Content is © by NôvelDrama.Org.

"Mukha ba akong may kasama?" I sarcastically told them and act as if I'm not scared. Na sa totoo lang ay unti-unti ko nang nararamdaman na nanginginig na ang mga binti ko.

"Matapang mga brad. Valentines Day ngayon, Miss. Gusto mo may ka-date?"

Nagsitawanan ang mga ito at nakita kong nilabas ng isa ang dila niya at binasa nito ang kanyang labi nagingitim.

Luminga-linga ako to para sana ay makahingi ng tulong ngunit wala akong nakita G naglalakad sa lugar na ito. I shouldn't have walked. Nakakainis. Nagsisisi na tuloy ako.

The light coming from the posts are also dim kaya hindi masyadong maaaninag kung may tao ba dito o wala. Pinilit kong kumalas pero lahat sila ay mahigpit na nakahawak sa braso ko. They slammed my back on the wall kaya napa-aray ako. Bwisit!

"Tulong! Tulong! Hmmmp-"

Nagulat ang mga ito nang tinangka kong humingi ng tulong kaya biglang tinakpan nung isa na mukhang manyak ang bibig ko.

Nandidiri ako na natatakot. Nandidiri na baka kunin nila sa akin ang pinangangalagaan ko at takot na baka hanggang ito na ang wakas ng buhay ko.

That time, I didn't notice I was already crying.

Ngayon ka pa naiiyak talaga ha, Sol?

Inamoy-amoy ako ng isang mukhang baboy ang mukha.

"Ang bango mo naman, Miss." Sabi nito habang tumatawa.

I tried to kick him in the balls and I hit him.

Served you right! Nakita kong dumaing ito sa sakit at saka dumura. Galit na galit itong tumingin sa akin.

"Huwag ka nang pumalag pa, Miss. Amin ka na."

Hahalikan na sana ako ng lalaking manyak kanina sa leeg kaya napapikit na lang ako at pilit na iniiwas ang mukha ko sa kanya nang biglang may sumapak dito. Bigla na lang itong natumba. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. That was too fast.

Binitawan ako ng isa pang nakahawak sa akin kanina kaya napasalampak ako sa semento. I'm too absorbed by the situation I'm in. My knees are weak to stand. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili at isip ko habang naririnig ko ang pagsugid ng mga kalalakihang ito sa kung sino man ang nagpatumba sa kasama nila. "Hoy! Sino ka bang pakialamero ka! Makakatikim ka talaga sa amin!" Narinig kong nagsisisigaw ang isa sa mga nangharang sa akin kanina.

Dinuro-duro nito ang lalaking sumapak sa isa niyang kasama na nagtangkang humalik sa akin kanina.

I looked at the guy he's pointing at, at sa unang tingin ay hindi ko pa maaninagan ang mukha nito dahil sa mga luhang bumabagsak mula sa mga mata ko pero kilalang-kilala ko ang porma ng pangangatawan nito. Hindi ako makapaniwalang siya iyon.

Sumugod na ang lalaking nagtangka sa akin kanina at nakaamba na ang suntok nito sa mukha ng lalaking sumagip sa akin but he dodged it so fast which gave him the advantage to punch the guy from the back. Tinamaan ito sa ulo kaya hindi na ito nakatayong muli. The two guys were up to punch him. He dodge the other, but the other made its way to his lips.

Napatakip ako sa aking bibig. That made him stop a bit saka niya pinunasan ang dugo na lumabas mula sa sugat na natamo. His face was covered by his sweaty hair. Nakita ko siyang humihingal at naghahabol ng hininga. That might have hurt him a lot.

Nang iniangat niya ang kanyang mukha ay tinapunan niya ng masamang tingin ang lalaking nakasuntok sa kanya. I've never seen him fuming mad like this.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Tuwang-tuwa naman ang loko dahil nakaisa ito. Walang anu-ano'y, umamba na naman ito ng suntok ngunit napigilan na niya ito. Pinatid niya ito na naging rason ng pagkatumba ng loko. He punched him in the face a couple of times hanggang sa hindi na ito makaganti pa. While he was busy punching the bad guy, ang matabang manyak na kasama nila ay nasa likod na niya at may dala-dalang kahoy.

"Nathan... No." I whispered his name in between my sob.

Naglakas-loob akong tumayo. I grabbed the hollowblock as soon as I saw it lying beside me kaya tumakbo agad ako at pinalo ang ulo nito.

Bumagsak ito kasama ng hollowblock na ginamit kong pangpalo sa ulo niya.

I saw blood coming out of his head. Saka lang ako napaupong muli sa semento habang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

What have I done? Did I kill him?

Nakita kong pabagsak na binitiwan ni Nathan ang binugbog niyang lalaki saka ito unti-unting naglakad palapit sa akin.

I looked at him and saw him panting. Basa ang noo nito ng pawis na natatakpan ng buhok niya. He was looking through me. I can't read his eyes too well. But I saw worry in his eyes.

That feeling when you see so much worry about you. Napahagulgol na lang ako at tinakpan ang mukha ko dahil ayokong makita niya ako sa ganitong estado.

He saved me. Bakit? Bakit niya ginawa ito? My mind was filled with questions na mas nagpagulo lang sa mga iniisip ko.

"Stand up." I heard him telling me to stand up.

Plain. Cold.

"Please."

But when he begged, I let my guard down.

Alam ko sa oras na ito, I'm putting my self into something I am not sure of, into the vagueness of something unexplainable. Pero isa lang ang sigurado ako, he saved me and he's worried about me. When I was still on my knees, iniabot niya ang kamay ko and he pulled me up right into his arms and hugged me tight.

I could feel my tears rushing through my cheeks.

He patted my back softly.

Ang sarap pala sa pakiramdam na nasa bisig niya. I can hear his heartbeats. Ultimo ang paghinga niya. I'm so close to him.

Hindi ito tumigil sa oagtapik ng aking likod. He's really trying his best to make me calm.

Pinasadahan niya ng daliri ang buhok ko at naramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa ulo ko. My heart fluttered when he did that.

Gulat pa rin ako sa mga nangyari ngunit ang sinabi niya ang nakapagpagaan ng loob ko.

"It's alright now. Nandito na ako. I got you." He whispered right through my ears.

Hindi ko maiwasang maiyak sa galak. Ibinaon ko ang mukha ko sa bisig niya at naramdaman ang init mula dito. It felt so damn comforting in his arms. Kung pwede nga lang na dito na lang ako mamahay panghabangbuhay ay gagawin ko. "I got you."

The second time I heard it from him, I felt so relieved.

So relieved that I hugged him back.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.