Kabanata 90
Kabanata 90
Sabi ni Jeremy sabay umupo. Kinapitan siya ng mapagpanggap na si Meredith.
"Jeremy, sa tingin ko hindi 'to isang mabuting ideya. Mukhang hindi natutuwa si Maddie."
Gustong gusto na ni Madeline na ibato ang kanyang baso ng juice sa mukha ni Meredith. Nais niyang
itanong kung alin sa mga p*tanginang mata niya ang nakakita na hindi siya natutuwa sa mga
nangyayari?
Sa gitna ng katahimikan, narinig ni Madeline si Jeremy na kalmadong nagsalita, "Sino ba siya para
tanggihan tayo?"
Hehe.
Oo nga, sino ba siya?
Wala lang naman talaga siya para sa kanya sa simula pa lang.
Nang makita ni Meredith na hindi nagtatangkang magsalita si Madeline ay natuwa siya ng sobra.
Binaba niya ang kanyang pitaka at umupo sa tabi ni Madeline. Subalit, hindi niya inaasahan na uupo si
Jeremy sa tabi ni Madeline.
Nabigla si Meredith, at sa kabilang banda, nabigla rin si Madeline.
Subalit, base sa kanilang pagkatao, walang mali na umupo si Jeremy sa tabi niya.
Kahit na hindi siya nasisiyahan dito, hindi nagtangka si Meredith na gumawa ng gulo. Kaya nagawa na
lang niyang umupo sa tabi ni Felipe.
Pagkatapos niyang maupo, pakiramdam ni Meredith ay maayos rin ang ganito. Lalo na, gwapo si
Felipe at mayroong natatanging tikas.
Kaagad na dumating ang pagkain ni Jeremy. Ang lahat ng iyon ay ang mga paboritong pagkain ni
Meredith. Nang makita iyon ni Madeline ay nawalan siya ng gana.
Alam niya na sinabihan niya na ang kanyang sarili na mawalan ng pakialam, pero ang kanyang puso
ay nananatiling duguan at sugatan.
Sa sandaling ito, naglapag ng isang maanghang na putahe si Jeremy sa harap ni Meredith. Para bang
sinasadya itong gawin. "In-order ko to para sa'yo."
"..." Tinaas ni Madeline ang kanyang ulo sa pagtataka. Content © provided by NôvelDrama.Org.
Nakangisi si Jeremy. "'Di ba gusto mo yung mga maaanghang na pagkain? Lalo na ang tacos na may
hot sauce."
"..." Biglang nagkainteres si Madeline. Naalala niya pa na kumain siya ng taco na may hot sauce
kasama si Daniel sa tabi ng daan. Naging isa pa itong bagay na binabanggit niya paminsan-minsan
para pabagsakin siya at ipahiya.
"Maddie, in-order ito ni Jeremy para lang sa'yo. Kailangan mo pang kumain ng mas marami." Dagdag
ni Meredith.
Tinignan siya ni Madeline na para bang may natatawang tingin sa kanyang mukha. "Paano ako
gaganahan na kainin ito sa harap ng isang kabit?"
Nagbago ang mukha ni Meredith at naging napakadilim. Huminto rin sa pagkain si Jeremy. "Madeline,
nagsisimula ka ba ng gulo?"
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Saglit na ngumiti si Madeline kay Jeremy. "Napakabihira para sa'yo na
umupo at kumain kasama ko, darling. Wala na nga akong oras para maging masaya tungkol dito."
Lumapag kay Madeline ang matalas na titig ni Jeremy habang nakangiti ng huwad. "Kung masaya ka,
dapat kumain ka pa."
"Salamat sa kabaitan mo, darling. Pero busog na ako." Tinignan ni Madeline ang lalaki sa kanyang
harapan. "Mr. Whitman, babalik na ako sa opisina. Maraming salamat sa tanghalian.
Tumango si Felipe. "Okay."
Tumayo si Madeline para umalis, subalit nakaupo siya sa may bintana at ang daanan ay nasa tabi ni
Jeremy.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Mr. Whitman, maaari bang makiraan?"
Para bang hindi siya narinig ni Jeremy. Hindi siya kumilos.
Nagsalitang muli si Madeline habang bahagyang nahihiya. "Mr. Whitman, maaari bang paraanin mo
ako?"
Nang makita niya na hindi kumikilos si Jeremy, sobrang natuwa si Meredith. Gustong gusto niya tuwing
pinipilit ni Jeremy si Madeline sa mga nakakahiya at imposibleng sitwasyon.
"Jeremy Whitman, maaari ka bang umalis sa daraanan ko." Ginamit ni Madeline ang salitang "maaari"
sa pangatlong beses. Bahagyang namumula ang kanyang mukha.
Sa wakas ay tumingala na si Jeremy at tinignan ang kanyang natatarantang mga mata. "Ako ba ang
kausap mo? Akala ko ang Mr. Whitman na iyon ang kausap mo."
Tinignan ni Madeline ang pambihirang lalaki sa kanyang harapan. Sa huli rin ay tamad siyang tumayo.